May 25, 2006

half-pain by bana

How far back should I have to go? Tell me. Everything is so painfully vivid.
The truth is, we couldn't understand each other, So I left and didn't look back
Fall into a light sleep, it encompasses my very being I never carry out my promises So long ago, I threw away my brightness And like the light from the morning sun, it can never return.
It lies beside this cold heart, frozen So completely mindless that it persists forever
Numbly, I gather the remnants of my emotions, And searching for redemption, I...
Fall into a light sleep, on a lonely night I'm beginning to learn the designs of sorrow The hiding away of your warm presence Makes me fear the overflowing darkness.
Fall into a light sleep, it encompasses my very being I never carry out my promises So long ago, I threw away my brightness And like the light from the morning sun, it can never return.

shell by bana

It's like I'll disappear as soon as I close my eyes
I feel like I've turned into someone that even I don't recognize
Sadly, I've become so small
I want to be rescued, but instead of sighing I vomited up my loneliness, and just lay there, measuring it all up
Amidst this drop of time gone dry
My heart is drowning and writhing
These lies that make me dizzy
I took them and tore them up
And with that, I became lost In a world of thin darkness.
For the sake of those whom I should trust I chose to come here,
a cage into which I've locked myself, and now there's     no escape.
Deep inside my parched throat
Lies the reason for this growing impermanence
Scared of the approaching tomorrow I cower and collapse
But it seeks me out and whispers to me This voice of thin darkness
Amidst this drop of time gone dry
My heart is drowning and writhing
These lies that make me dizzy
I took them and tore them up And with that, I became lost In a world of thin darkness.

May 23, 2006

Tim Burton's CorpseBride

sabi sa pinapanood ko
"pano pa titibok ang pusong matagal ng tumigil"
oo nga naman...

pano nga naman kung patay ka na... XD

siguro, namatay akong ilang araw

tas nabuhay uli ako

nung bigla mo na naman ako saktan
umiyak ako hindi dahil masakit
umiyak ako dahil pawala na ako nung mga oras na 'yon
wala na akong maintindihan
pero nabuhay uli ako
kasi sabi mo
natatakot kang iwan kita

ayoko kasing natatakot ka...

sabi ko nga kahit gano ka kagago
hindi kita iiwan

aaminin ko...
kaya ka naman nagkaganyan kasi nahawa ka lang
dun sa maiz na dating mong nakilala

at kahit paulit-ulit nilang sabihing tanga ako...
^_^hehe ngingiti lang ako

alam ko naman 'yon..

pareho lang kami...

maghihiwaan, magpapasaan..
iiyak...
tatahimik...
mapapatingin tas...
tatawa...
tutulog...
mamamatay...
aasang hindi na uli mabuhay

pero ganito talaga...
^_^...

May 18, 2006

takot ako sa tao
takot akong maiwan
makasarili ako
masama ako

pero walang masama sa pagiging walanghiya
basta alam mo sa sarili mo ang mga pagkakamali mo

ayoko sa taong takot magkamali
walang perpekto
katangahan ang salitang perpekto

hindi ako naniniwala na ang pag-ibig ay perpekto
walang perpekto

kung gayon, katangahan ang magmahal
totoo...
pero nagmamahal ako ngayon at hindi na ito mawawala
hindi ito perpekto, lagi itong nagkakamali
pero patuloy pa rin kaming nananaginip
ng isang mundong laging umaga at masaya

tanga ako
mali ako
hindi ako perpekto

ilang araw na lang, hindi pa siguro n'ya namamalayan...
ilang  araw nalang...

pede bang bukas, makahilig man lang sa balikat mo...
kahit saglit lang...

bago man lang ako umalis...???

May 16, 2006

ang kwento sa likod nitong account

kay michael po talaga itong friendster account
ginawa nya para makita ung nililigawan n'ya
nung december last year ilang linggo lang bago ako mag birthday
aww! ^_^
ok ba?
pero tapos na yun...
ngiti lang

May 13, 2006

subukang tumahimik, kahit saglit

hayaang makatulog, sa lamig ng panahon

hayaang mahimlay sa bisig mo

tama na muna ang sigawan

ipikit ang mga mata

mga matang pagod sa pagluha

tulog muna tayo

managinip ng mga pangarap

kapit-kamay lilipad

sa mga ipinapanalangin

bumitaw muna

sa katotohanang

hindi sa lahat ng oras

ay mahinahon ang lahat

lalakas ang ulan

mawawalan ng ilaw

at ngayong gabi

nang wala ang lahat

sabay tayong matutulog sa magpakailanman

sabay matutulog sa magpakailanman

hayaang mahimlay sa bisig mo...

tama na muna ang sigawan

ipikit ang mga mata

mga matang pagod sa pagluha

May 07, 2006

Ang Panaginip

isang dalaga ang nagpapakita sa akin sa panaginip
pangatlong gabi
hindi ko alam kung panaginip lang talaga iyon
ayoko magbigay ng ibang mensahe
hindi ako sapat para sa mga premonisyon

may isang lalaki
makaagaw tingin siya sa karamihan
sumunod ako
hanggang makaabot sa isang opisina
ng isang mama(sa pagkakarinig ko ay tiyo daw ng lalaki)
may mga sinabing hindi ko na maalala,ang mama
nagdilim ang lahat
nagising akong tinanggalang-puri

nakausap ko na ang dalagita
bigla ko na lamang napagtantong
ganoon din ang nangyari sa kanya
dinala nya iyon
hanggang sa mamatay

isang bata rin ang nadoon
at nang makausap ko na ang babae
hinanap namin ang bata
sa kasamaang palad
nagising na ako...

isang panaginip
isang pangyayari
pinuno nito ang mga maghapon ko

sabi nila nasisiraan na ako
marahil nga totoo...

April 30, 2006

Kilala mo pa ba ako? Hindi ako c TOOTPIK104

Salamat sa pag-intindi, napakalaking bagay nito para sa akin.

PINASAYA MO KO.

Teka, pwede ko pa bang kunin pabalik ang lahat???

Sabihin mo nga sakin.

Ito ba ang kapalit ng isang hiling na pang-unawa?

April 22, 2006

Bakasyon ng Utak at Puso

Hahayaan ko munang mahimbing kang makatulog. Sa panaginip mo, sasabay ako. Kakapit tayo sa mga pangarap na ating binubuo. Walang makapipigil sa pagngiti ng ating mga kaisipan. Tatahimik muna ako at lilimutin ang katotohanan. Kapit kamay, tayo'y pipikit at mamamatay sa sandaling paraiso ng mga salita. Titigil muna tayo. Sige, tawagin n'yo kaming tanga...

Bukas, pakiusap, sa pagmulat ng iyong mga mata. Magtiwala ka sa akin. Ako ang bahala. Sa pagharap mo sa katotohanan, kapit kamay kitang ililipad. Aasa ako sa iyong pang-unawa. Ang magmahal ay ang magtiwala. Bigyan mo ako ng sapat na lakas upang maliwanagan--Na ang pag-ibig ay may pagmamahal na nadarama. Sa pagmulat mo, ipakita mo sa aking ang pag-ibig ay hindi dala ng paningin kundi isang pakiramdam na nakamamatay. Naniniwala ako. Sssshh..Bukas na. Magpahinga ka muna, mahal ko.

Bukas sa pagkawala ko sa mahigpit mong  pagkakasakal, ang leeg lang ang mapapahiwalay, ang ako'y mananatiling naro'n. Pakiusap, magtiwala ka. Hindi ako mawawala. Pangako.

"SSssshhh...Bukas na. Hayaan mo munang magbakasyon ang isip ko. Tama na muna ang mga pagluha."